because god supports everything
Twenty thousand years later bago ko na post yung thing ko. And that wasn’t even the original, the original was better:| Tumblr just had to crash :|
But it’s okay. I can’t be mad at Tumblr. Never.
Sigh.
Night y’all!
Sobra.
Nakakarindi.
Nakakapagod.
Yung tipong, ang daming sinasabi pero narinig ko na yun lahat dati. Alam ko na yung mga sinasabi niyang yun. Pero inuulit pa rin kasi gusto nilang mainitindihan mo talaga at maalala mo. Eh, naiintindihan mo naman talaga, at naalala mo siya at maalala mo siya lagi. Lalo na pagkatapos ng usapan niyong iyon.
Ayoko talaga sa mga taong ganyan.
Umiinit ang ulo ko, nagbboil yung dugo ko. Ayoko yung napakahabang mga usapan pero paulit ulit lang. Kahit alam kong may ginawa akong mali kaya pinag uusapan siya, ayoko talaga ng paulit ulit, naririndi yung tenga ko.
Pero mahal ko siya kaya okay lang:)
Nakakabobo. Nakakapagod talaga at mabigat sa damdamin ko pag gumaganyan siya. Kasi naman, dalawang oras ko pong pinakikinggan ang mga payo niya sakin. Alam kong tama siya, alam kong may punto siya. Pero alam kong may mas maikling paraan para sabihin sakin ang mga gusto niyang sabihin sakin. Meron talaga. Pero ganun siya magsalita, eh.
Siguro mas nakakainis siyang pakinggan kasi walang bahid ng galit yung talumpati niya. Wala talaga. Bale, kinekwento niya lang sakin ang mga nais niya sa buhay, ang nais niya para samin, at yung mga hinanaing niya.
Halos maubos ko yung hangin dito sa bahay sa dalas at lalim ng mga hininga ko para lang hindi siya pahintuin, hindi siya patahimikin. Mahal ko siya at alam kong gustung gusto niya ang mga oportunidad na gaya ng kanina para sabihin sa akin ang mga nilalaman ng puso at isipan niya. Kaya kahit rinding rindi na ako, pinagpatuloy ko siya kasi gusto kong masiyahan siya.
Isa pa, andami kong kasalanan at pagkukulang sa taong ito. Hindi ko siya dapat itinuring ng masama, kagaya ng dati. Dahil sa lahat ng lalaking nakilala o namahal ko, siya ang pinakakarapatdapat buhusan at lunurin sa pagmamahal. Babawi ako sa kanya. Ipapakita ko sa kanya ang pagmamahal at respeto na dapat niyang makuha, yung ayon talaga sa kabaitan niya. Kasi grabe itong taong to magmahal at mag- alaga sa mga taong importante sa buhay niya. Dapat lang na bumawi ako ng todo todo sa kanya. Yung hindi ko pinairal ang inis ko sa haba, tagal, at dami ng sinabi niyang mejo paulit ulit na kanina, ay umpisa pa lang.
Mahal kita oy:)






